_ngayon
^
Trader patay sa ambush sa subdibisyon
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leo Extinado, 53-anyos at residente ng Brgy. Osorio, Trece Martires City, Cavite.
STAR/ File

Trader patay sa ambush sa subdibisyon

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

CAVITE MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante nang tambangan at pagbabarilin sa sa loob ng isang subdivision kahapon ng umaga sa Brgy. Osorio Trece Martires City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Leo Extinado, 53-anyos at residente ng Brgy. Osorio, Trece Martires City, Cavite.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang ginawang pagpatay sa biktima.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-7:15 ng umaga nang maganap ang pamamaril.

Habang naglalakad ang biktima sa Summerfield Subdivision nang biglang barilin sa ulo ng ‘di nakilalang salarin na nakaabang sa daan.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang baril na ginamit sa pagpatay.

Isang hot pursuit ­operation na ang isinasagawa ng pulisya habang wala pa ring malinaw na motibo sa naganap na pana­nambang.

LEO EXTINADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with