_ngayon
^
Pinasok sa loob ng kanilang bahay 18-anyos dinos-por-dos ng kawatan, utas
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pauldren Angeles, habang patuloy na nangangalap ng impormasyon ang mga otoridad upang makilala ang salarin.
STAR/ File

Pinasok sa loob ng kanilang bahay 18-anyos dinos-por-dos ng kawatan, utas

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

TAYABAS CITY , Philippines — Patay ang isang 18-anyos na lalaki matapos na hatawin ng dos-por-dos sa ulo ng hindi kilalang lalaki na nanloob sa kanilang bahay sa Barangay Camaysa, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pauldren Angeles, habang patuloy na nangangalap ng impormasyon ang mga otoridad upang makilala ang salarin.

Base sa imbestigasyon, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang bahay ng biktima sa pamamagitan ng pag-akyat sa bintana ng banyo nito.

 Nang nasa loob na umano ng bahay ang suspek ay una nitong tinungo ang kuwarto ng biktima saka pinaghahataw ng kahoy sa ulo habang natutulog na naging dahilan ng agaran niyang kamatayan.

Sunod na pinasok ng suspek ang kuwarto ng babaeng kapatid ng biktima na si Paula, 26, at tinutukan ng patalim saka tinanong kung saan nakalagay ang kanilang pera.

Nang sumigaw ng saklolo si Paula ay nataranta ang suspek at tumakas sa pamamagitan ng pagdaan sa main door tangay ang hindi pa batid na halaga ng perang kinulimbat nito.

PAULDREN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with