^

Probinsiya

Halos P7 milyong illegal drugs sinira sa Tagum City

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Abot sa halos P7-milyong halaga ng mga ipinagbabawal na droga ang sinira sa pamamagitan ng pagsunog ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA Davao Region) sa Tagum City, Davao del Norte, ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kahapon.

Ayon sa PDEA Davao Region, isinagawa nila ang pagsunog para mawala ang hinala ng ­iilan na nire-recycle umano ang mga ilegal na drogang nakukumpiska.

Nabatid na halos 300 gramo ng shabu ang sinunog na may halos P4.7 milyon, kasama ang nasa 19 gramo ng marijuana na may P2.2 milyong halaga.

Ang hakbang na ito ng ahensiya ay batay sa Section 21 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act na kailangang sunugin o ­sirain ang mga ebidensya na ipinagbabawal na gamot.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with