_ngayon
^

Lalaki na may problema sa pag-iisip nagwala, napatay ng pulis

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 11, 2021 - 12:00am

SANTA BARBARA, Pangasinan, Philippines — Patay ang isang lalaki na may problema sa pag-iisip matapos barilin ng pulis nang ito ay magwala nang tangayin ng kanyang kaibigan ang saging nito, kahapon sa nasabing bayan.

Ang biktima na hindi pinangalanan at residente ng Brgy. Bagumbayan ay nasawi noon din matapos mabaril ng mga pulis na rumesponde sa lugar.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng ulat hinggil sa pagwawala umano ng suspek nang tangayin ng kaibigan nitong si Simo ang kanyang saging.

Kaagad naman ru­mesponde ang mga pulis sa lugar at naabutan nilang may hawak ang biktima ng kutsil­yo at iwinawasiwas at pilit na pinapakalma ng mga una.

Subalit, sinugod umano ng biktima ng kutsilyo ang mga pulis kaya’t napilitan barilin na tinamaan sa katawan na naging sanhi ng kamatayan nito.

Kuwento naman ng ama na may deperensya ang anak at madalas ay nakakaligtaan nitong uminom ng gamot.

PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with