_ngayon
^

Probinsiya

7 turista sa Boracay nameke ng swab test, arestado

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
7 turista sa Boracay nameke ng swab test, arestado
Ipinakita sa larawan noong Setyembre 2020 ang paglubog ng araw sa isla ng Boracay, Malay, Aklan.
Malay Municipal Tourism Office/Facebook

MANILA, Philippines — turista sa Boracay sa Malay, Aklan ang hinuli matapos mahulihang gumagamit ng mga umano’y pekeng RT-PCR test result.

Sa report ng Malay Police, pumasok ang mga turista sa Boracay noong Biyernes. Apat sa mga lokal na turista ay galing Cavite at tig-isa naman ang galing Quezon City, Maynila at Bulacan.

Nang isailalim sa beripikasyon ang mga iprinisintang RT-PCR test result ay lumilitaw na peke ang mga ito.

Dinala sila sa qua­rantine facility sa Kalibo, Aklan para isailalim sa swab test, ayon sa pulisya ay kakasuhan ng paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at falsification of documents.

Binuksan noong Hunyo 1 ang Boracay sa mga turistang taga-NCR Plus o Metro Manila, Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal na nasa ilalim ng “restricted” general community quarantine.

BORACAY RT-PCR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with