_ngayon
^

Probinsiya

‘Tulak’ todas sa buy-bust, 2 nakatakas

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DAET, Camarines Norte, Philippines — Bulagta sa kalsada ang isang notoryus na tulak ng droga habang naka­takas ang dalawa pa nitong kasama matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa ginawang buy-bust operation sa Purok-6, Brgy. Magang ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang suspek na si Dario Adan Oquialda, 35-anyos, residente ng Purok-1, Brgy. 1.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng madaling araw, nagkasundo ang suspek at poseur buyer na magkikita sa naturang lugar. Dumating naman ang suspek kasama ang dalawa pang kasabwat lulan ng motorsiklo.

Gayunman, nang magkaabutan ng droga ay nakahalata si Oquialda kaya bumunot ng baril at pinutukan ang mga operatiba dahilan para gumanti ng putok ang mga pulis.

Nang makitang tumimbuwang si Oquialda, mabilis na tumakas ang dalawa pang kasamahan nito sakay ng kanilang motorsiklo patungo sa direksyon ng Happy Homes Fairview 3.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with