_ngayon
^

Probinsiya

Flashfloods rumagasa sa South Cotabato, 1 patay

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Flashfloods rumagasa sa South Cotabato, 1 patay
Kinilala ang nasawi na si Roger Barnezo, re­sidente ng Brgy. Moloy ng nasabing bayan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister matapos na malunod habang tumatawid sa isang tulay nang rumagasa ang flashflood na ikinalubog din ng mga kabahayan sa Barangay Dajay, Surallah, South Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Roger Barnezo, re­sidente ng Brgy. Moloy ng nasabing bayan.

Natagpuan na lamang ang bangkay ni Barnezo matapos malunod sa Brgy. Bai Saripinang, Bagumbayan, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Nakaligtas naman ang asawa at anak nito ngunit sa kasamaang palad ay inanod ang nasabing mister ng rumaragasang tubig, matapos umano silang mahulog habang tumatawid sa tulay pauwi sa Brgy. Moloy.

Samantala, nagpa­patuloy ngayon ang da­mage assessment ng South Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa ilang mga barangay na apektado ng pagbaha at landslide kasunod ng malakas na buhos ng ulan sa magdamag.

Ayon kay PDRRMO Operations Chief Rolly Doane Aquino, kasalukuyan nilang tinutukoy ang laki ng pinsala na naitala sa ilang bayan katulad na lamang sa isang tulay­ sa Brgy. Lacunon sa ba­yan ng T’boli. Naitala rin ang landslide sa ba­yan ng Lake Sebu habang hinihintay ang damage report mula sa ibang mga bayan.

Dagdag ni Aquino, nagsasagawa na ang Rapid Damage and Assessment Team (RDANA) ng pagtaya sa pinsala sa mga imprastraktura at agrikultura, kung saan makikipag-ugnayan din sila sa Provincial Engineering Office at Office of the Provincial Agri­culturist para sa isa­sagawang ayuda sa mga apektadong mamamayan.

SULTAN KUDARAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with