^

Probinsiya

Ex-cop, 3 pa arestado sa drug bust

Eva Visperas - Pilipino Star Ngayon
Ex-cop, 3 pa arestado sa drug bust
Ang mga suspek na sina Oscar Rizada, 23, construction worker; Angelou Operio, 40; at Excel Bangal, 26, factory worker, kapwa mga residente ng Barangay Rizal, Makati City ay naaresto dakong alas-3:15 ng madaling araw kahapon sa Maramba Blvd., Barangay Poblacion, Lingayen.
Edd Gumban

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Isang dating­ pulis at tatlong iba pa ang naaresto sa magkakahiwalay na anti-drug operation­ sa bayan ng San Manuel town, na kung saan ay nasa P200,000 halaga ng shabu ang nasamsam.

Ang mga suspek na sina Oscar Rizada, 23, construction worker; Angelou Operio, 40; at Excel Bangal, 26, factory worker, kapwa mga residente ng Barangay Rizal, Makati City ay naaresto dakong alas-3:15 ng madaling araw kahapon sa Maramba Blvd., Barangay Poblacion, Lingayen.

Nagsagawa ang mga pulis at Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1, ng buy-bust operation laban sa mga suspek at nakumpiska ang sa­chet ng shabu na tumi­timbang ng 35 grams na nagkakahalaga ng P238,000, buy-bust money, boodle money, cellular phone at Chevrolet duramax.

Samantala, isang dating pulis ang na­aresto dakong alas-11:30 ng gabi noong Mayo 17 sa Purok Regta, Barangay San Juan, San Manuel

Kinilala ang naares­tong suspek na si Charlie Sagun, dating naka-assigned sa Police Regional Office 2 na nag-absent without official leave at residente ng Barangay Guiset Sur, San Manuel.

Nasamsam kay Sagun ang sachet ng shabu na may timbang na .0779 gram at dalawa pang  sachets ng shabu na may timbang na .1470 gram, buy-bust money, cellular phone, Mitsu­bishi van at limang pi­ra­song bala ng caliber 9mm.

vuukle comment

OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with