^

Probinsiya

7-anyos na bata, nilamon ng ilog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
7-anyos na bata, nilamon ng ilog
Kinilala ng San Ma­riano PNP ang nasa­wing biktima na si Carl Michael Acoba, re­si­dente ng Barangay Zone 1 sa nabanggit na bayan.
STAR/ File

SAN MARIANO, Isabela , Philippines — Hindi na na­isalba pa ang buhay ng isang 7-anyos na batang lalaki matapos malunod habang nagtatampisaw sa isang ilog sa Barangay Zone 2 sa bayan na ito kama­kalawa.

Kinilala ng San Ma­riano PNP ang nasa­wing biktima na si Carl Michael Acoba, re­si­dente ng Barangay Zone 1 sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbesti­gas­­yon ng pulisya, lingid sa kaalaman ng mga magulang ng biktima ay sumama pala ito sa ibang mga bata at nagtungo sa Pinacanauan River para maligo.

Habang nagtatam­pisaw umano ang mga ito ay aksidenteng tina­ngay ng malakas na agos sa malalim na bahagi ng ilog dahilan para malunod.

Isinugod pa umano sa pinakamalapit na pagamutan ng mga rumespondeng residente ang bata subalit idineklara ito dead-on- arrival.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga residente na bantayan mabuti ang kanilang mga anak lalo na nga­yong mainit ang panahon kung saan marami umano ang tumatakas para maligo sa ilog kahit na mahigpit na ipinagbabawal dahil na rin sa banta ng COVID-19.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with