^

Probinsiya

Big time lady drug pusher tiklo sa P4.1 milyon

Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines — Isang big time lady drug pusher ang nadakip ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa Sto. Rosario Subd., Brgy. 4 at nasamsam ang nasa P4.1 milyon halaga ng droga sa  lungsod na ito.

Kinilala ni Quezon police director Col. Eric­son Dilag ang naarestong suspek na si Ne­riza Romuladez Oracion, 46, jobless at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Dilag na aktong nasa kamay ni Oracion ang marked money at ilang heat- sealed plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Ayon kay Provincial Intelligence Unit led by Major Gaylor Pagala na si Oracion ay bago lang sa pagbebenta ng shabu kaya’t ito ay sinubaybayan na at dito nalaman na ito pala ay bigtime drug peddler.

Nasamsam sa sus­pek ang 41 plastic sa­­chets na naglalaman ng 205 grams shabu na may street value na P4,182,000.00, 6 pieces of P1,000 bills and 13 pie­ces of P500 bills which they used as marked money, a digital weighing scale and P2,056 cash.

DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with