_ngayon
^
2 trader niratrat sa resto sa Bulacan, 1 patay
Kinilala ni P/Lt.Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan Police ang biktima na si Samuel Mora, 39, ng B13 Lot 9, Villa Samantha Subdivision, Brgy. Lawa ng nasabing siyudad.
File

2 trader niratrat sa resto sa Bulacan, 1 patay

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

Suspek nagkunwaring kustomer

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang negosyante habang kritikal ang kasama nitong Chinese national matapos silang pagbabarilin habang kumakain sa isang restawran sa Brgy. Iba sa siyudad na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Lt.Col. Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan Police ang biktima na si Samuel Mora, 39, ng B13 Lot 9, Villa Samantha Subdivision, Brgy. Lawa ng nasabing siyudad.

Nasa malubhang kalagayan naman sa Chinese General Hospital ang isa pang biktima na si Howard Tan, negos­yante rin ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 4:13 ng hapon habang kumakain sa Davids Tea House ang dalawang negosyante nang pumasok at magkunwaring kustomer ang ‘di pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng itim na sumbrero, dilaw na t-shirt at maong short pants bago nito isinagawa ang krimen.

Tadtad ng tama ng ‘di pa mabatid na kalibre ng baril ang buong karawan ng biktima na siya nitong agarang ikinamatay, mabilis na isinugod sa ospital ang kasamang Chinese na nagtamo rin ng maraming tama ng bala sa katawan.

Ayon sa mga nakasaksi, umorder pa umano ng pagkain ang suspek at naupo malapit sa mesa ng dalawang biktima bago nito isinagawa ang krimen.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril sa dalawang negosyante.

KRIMEN PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with