_ngayon
^
2 âkillerâ ng board member todas sa raid
Kinilala ang mga napatay na sina Rodel Smith alyas “Ka Kano”, 40-anyos ng Brgy. San Carlos na itinuturing na Number 9 provincial most wanted person ng Masbate at may mga kaso ng robbery with homicide at murder, at Reynaldo Dalanon Mahipos, 40-anyos, alyas “Ka Bandoy” ng Brgy. Magsalangi, may kasong murder at parehong kasapi ng Larangan 1, KSPN 2, KP4 ng NPA-Masbate na pinangungunahan ni “Ka Star”.

2 ‘killer’ ng board member todas sa raid

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MILAGROS, ­Masbate, Philippines — Patay ang dalawang wanted na kasapi ng New People’s Army (NPA) at responsable umano sa pagpatay sa isang board member matapos na makipagbarilan sa mga pulis at sundalo na maghahain sana ng warrant of arrest laban sa kanila sa Sitio Banacod, Brgy. Cala­suche ng bayang ito ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang mga napatay na sina Rodel Smith alyas “Ka Kano”, 40-anyos ng Brgy. San Carlos na itinuturing na Number 9 provincial most wanted person ng Masbate at may mga kaso ng robbery with homicide at murder,  at Reynaldo Dalanon Mahipos, 40-anyos, alyas “Ka Bandoy” ng Brgy. Magsalangi, may kasong murder at parehong kasapi ng Larangan 1, KSPN 2, KP4 ng NPA-Masbate na pinangungunahan ni “Ka Star”.

Sangkot din umano ang dalawa sa mga kaso ng pagnanakaw at gun-for-hire. Sila ang itinuturong bumaril at nakapatay sa provincial board member na si Jojo Lopez noong 2019.

Sa ulat ni Col.Joriz Cantoria,provincial director ng Masbate PNP Provincial Office dakong alas-2:45 ng hapon ay nakatanggap sila ng impormasyon sa pinagtataguan ng mga suspek kaya agad bumuo ng operating team mula sa 96 Military Intelligence Company, Regional Intelligence Unit 5, Regional Mobile Force Batallion 5, Special Action Force, Provincial Intelligence Unit, Masbate City Police Station at Milagros Municipal Police Station. Bitbit ang warrant of arrest ay sumugod ang mga ­operatiba sa pinagtataguan ng dalawang wanted.

Gayunman, palapit pa lang ang tropa ay pinutukan na sila ng mga suspek hanggang magkaroon ng habulan at barilan.

Matapos ang ilang sandaling palitan ng putok ay duguang tumimbuwang ang mga suspek. Nabawi sa kanila ang isang M1 Carbine, kalibre 45 pistola at mga bala.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with