_ngayon
^
Barangay sa Cotabato isinailalim sa 14-day lockdown
Ayon kay Arendain, mas hihigpitan ang pagpapatupad ng mga health protocols upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Inamin niyang nahihirapan sila lalo na sa contact tracing ng mga close contact ng mga nagpositibo sa naturang bayan.
The STAR/Michael Varcas

Barangay sa Cotabato isinailalim sa 14-day lockdown

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, nagpatupad ng 14-days na community lockdown ang Barangay Poblacion sa Carmen, Cotabato.

Sa Executive Order #20 na inilabas ni Carmen Mayor Moises Arendain, epektibo ang lockdown sa Brgy. Poblacion kahapon, Mayo 17 na tatagal ng dalawang linggo. 

Ayon kay Arendain, mas hihigpitan ang pagpapatupad ng mga health protocols upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Inamin niyang nahihirapan sila lalo na sa contact tracing ng mga close contact ng mga nagpositibo sa naturang bayan.

Dagdag ni Mayor Arendain, walo sa mga positibong kaso ay empleyado ng munisipyo. Sa ngayon, umabot na sa 46 ang active cases ng virus sa Carmen.

Sa naturang lockdown ay aabot sa 15,000 pamilya ng Poblacion ang mabibigyan ng tulong sa loob ng 14-araw.

Hindi naman haharangin ang mga residenteng may essential needs at kailangan lang kumuha ng certification mula sa barangay para makabili ng kanilang mga kinakailangan.

Simula kahapon ng umaga, mapapansin na ang presensya ng pulisya at militar sa nasabing barangay para tumulong sa monitoring ng LGU sa mga residente.- Rhoderick Beñez

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with