_ngayon
^
Jeep galing outing tumaob: 17 sugatan
Ang jeep na tumaob nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito na ikinasugat ng 17 pasahero matapos silang manggaling sa beach outing sa Banana Road, Naic, Cavite kamakalawa ng hapon.
Cristina Timbang

Jeep galing outing tumaob: 17 sugatan

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Ginagamot sa magkakahiwalay na pagamutan ang may 17 na katao kabilang ang mga menor-de-edad matapos na ilang beses na tumaob ang sinasakyan nilang jeepney habang papauwi mula sa beach outing kamakalawa ng hapon sa Banana Road, Brgy. Malainen Luma, bayan ng Naic, dito

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:40 ng hapon nang maganap ang insidente habang papauwi na ang mga biktima mula sa outing lulan ng jeep na may plakang DXB 693 at bumabagtas sa Banana Road, Brgy. Malainen Luma.

Nadaanan umano ng jeep ang gutter ng kalsada dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver sa manibela at tuluy-tuloy na tumaob at nagpaikot-ikot sa kalsada ng may ilang beses.

Nakarambola sa loob ng sasakyan ang lahat ng sakay na ikinasugat ng mga biktima kabilang ang driver na agad isinugod sa pagamutan.

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with