_ngayon
^

3 Sayyaf utas sa engkuwentro

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Tatlong kasapi ng bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang bumulagta sa nagpapatuloy na pagtugis ng militar sa nasabing grupo sa Barangay Baiwas, Sumisip, Basilan.

Ayon kay Brigadier General Domingo Gobway, commander ng Joint Task Force, alas-7:40 ng umaga nitong Linggo nang makasagupa ng mga tauhan nito ang walong mga ASG sa ilalim ng pamumuno ni ASG Sub-leader Pasil Bayali sa Sitio Kura-Kura ng nabanggit na barangay.

Sa impormasiyong nakarating kay Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., commander ng Western Min­danao Command, nagtagal ng 30 minuto ang palitan ng putok hanggang sa umatras ang mga kalaban ng militar.

Dalawang mga bangkay ng ASG ang narekober kung saan sa hiwalay na engkwentro rin ay isa pang bangkay ang natagpuan kasama ang armas nito na M16 rifle.

Sa ngayon may kabuuang 18 miyembro ng Abu Sayyaf Group ang na neutralize, apat dito ang napatay, 13 ang sumuko at isa ang nadakip.

ABU SAYYAF GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with