_ngayon
^

2 pang BIFF dedo sa sagupaan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa pang mi­yembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) ang namatay sa engkuwentro sa mga tropa ng Joint Task Force Central sa Barangay Mao, Datu Paglas, Ma­guindanao kamakalawa ng umaga.

Ayon kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, ang dalawang teroristang namatay ay mga miyembro ng BIFF-Karialan Faction na pinamumunuan ni Mohiden Animbang alyas “Karialan”.

Ayon sa ilang miyembro at opsiyal ng religious community, ang mga napatay ay nakilalang sina Mansur Amil at Salem Oting na kasapi ng BIFF na umatake sa Poblacion ng Datu Paglas noong MayO 8 na nagbunsod ng kaguluhan.

Nagsasagawa ang JTFC ng military operation nang makasagupa ang mga terorista sa Brgy. Mao, Datu Paglas at habang sinusuyod ang lugar ay nadiskubre ng mga awtoridad ang isang foxhole o hukay na ginawa ng mga terorista.

Nakuha sa dalawang napatay ang isang bandolier na may dalawang  mahabang magazine ng  M16 rifle na may 50 rounds ng 5.56 mm ammunitions at dalawang backpack.

Iniulat naman ni Joint Task Force Central Commander Maj. Gen. Juvymax Uy, na walang napinsala sa panig ng pamahalaan sa nangya­ring 10-minutong engkuwentro. - Rhoderick Beñez

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with