_ngayon
^
Parusa sa pagkapanis ng 348 Sinovac vaccines sa North Cotabato tinitignan
Inihahanda ng medical staff na ito ang isang dose ng CoronaVac COVID-19 vaccines ng kumpanyang Sinovac sa isang shopping mall sa Bangkok, ika-12 ng Mayo, 2021
AFP/Lillian Suwanrumpha

Parusa sa pagkapanis ng 348 Sinovac vaccines sa North Cotabato tinitignan

James Relativo (Philstar.com) - May 17, 2021 - 6:12pm

MANILA, Philippines — Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa isang lokal na pamahalaan sa probinsya North Cotabato kaugnay ng pagkapanis ng lagpas sa 300 bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) matapos ang kawalan ng kuryente at problema sa storage.

Napanis ang mga nasabing COVID-19 vaccines matapos mailagay sa freezer na hindi umaandar kasunod ng brownout sa Makilala noong ika-7 ng Mayo. Dalawang araw itong nasa loob kahit nakapatay dahil hindi naibalik sa regular na power supply mula sa generator.

Ika-10 ng Mayo na raw nang mapansin ito ng mga kawani, ayon kay Makilala Inter-Agency Task Force (IATF) spokesperson Lito Cañedo sa ulat ng state media.

"As to the sanctions, they were already advised and the local government has been coordinated with by our regional office," ani Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong Lunes.

Dahil dito, hindi na magagamit para sa immunization efforts ang naturang 348 CoronaVac vaccines, bagay na yari ng Chinese drug manufacturer.

Sabado lang nang nang ipaabot ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang kanyang pagkahinayang sa pangyayari, habang tinitiyak na hindi na ito mangyayari pang muli.

"I urge the diligence of everyone concerned so that this incident will not happen again. We cannot afford negligence or even a simple overlook to derail and affect the government's vaccination drive," ani Cusi nitong Sabado.

"I reiterate my earlier directive to our power stakeholders to ensure reliable and stable electric power supply to support COVID-19 vaccine cold storage and healthcare facilities."

Mahigit 2,959,829 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok sa bansa, ayon sa mga datos noong Sabado. Nasa 714,432 pa lang riyan ang may kumpleto nang dalawang doses habang 2.2 milyon naman ang meron pa lang unang dose.

Sa huling ulat ng DOH ngayong araw, umabot na sa 1,149,925 ang tinatamaan ng COVID-19. Sa bilang na 'yan, nasa 19,262 na ang patay.

COVID-19 VACCINES DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with