_ngayon
^
5 informer ng militar itinumba ng NPA
Ayon sa Negros ­Oriental Police, iniimbestigahan na nila ang pamamaslang sa limang biktima na kinilalang sina Ronelo Quirante, Rogelio Fat; mag-asawang Rodrigo at Cerelina Lubay; kapwa ng Brgy. Trinidad at isang Gretchel Ledesma ng Brgy. Linantuyan; pawang ng nasabing lungsod.
STAR/ File

5 informer ng militar itinumba ng NPA

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Limang informer ng militar ang nasawi matapos na bistayin ng bala ng mga pinaghihinalaang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Guihulngan City, Negros Oriental nitong Biyernes.

Ayon sa Negros ­Oriental Police, iniimbestigahan na nila ang pamamaslang sa limang biktima na kinilalang sina Ronelo Quirante, Rogelio Fat; mag-asawang Rodrigo at Cerelina Lubay; kapwa ng Brgy. Trinidad at isang Gretchel Ledesma ng Brgy. Linantuyan; pawang ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigas­yon, sina Quirante, Fat at mag-asawang Lubay ay pinagbabaril ng mga kalalakihang pawang armado ng malalakas na kalibre ng armas sa iba’t ibang sitio sa Brgy. Trinidad sa pagitan ng alas-5 at alas-6 ng umaga kamakalawa.

Sumunod na pinas­lang si Ledesma nang paputukan ng revolver, may 300 metro ang layo sa tahanan nito sa Brgy.

Linantuyan bandang alas-8:30 ng umaga nang nasabi ring araw.

Sa press statement ng 62nd Infantry Battalion ng Philippine Army nitong Biyernes ng gabi, tinukoy na NPA ang res­ponsable sa pamamaslang kina Quirante, Fat at mag-asawang Lubay. Ikinagalit umano ng mga rebelde ang pagbibigay ng impormasyon ng mga biktima sa tropa ng mga sundalo hinggil sa pangingikil ng pagkain, pera at mga alagang hayop ng NPA sa kanilang komunidad.

Sinisisi rin umano ng mga rebelde ang tatlo na siyang nag-tip sa militar sa kanilang presensya sa nangyaring engkuwentro noong Marso 23 sa Sitio Agit, Brgy. Trinidad na ikinasawi ng walo sa kanilang mga kasamahan.

Ayon naman sa pulisya, hinihinala nilang pinatay si Ledesma ng NPA dahil sa paniniwalang nagbibigay rin siya ng impormasyon sa militar laban sa rebeldeng grupo.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with