_ngayon
^

P41.2 milyong marijuana sinunog sa Kalinga

Artemio Dumlao (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Agad sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency PDEA-Cordillera at Kalinga Police ang nasa P41.2 milyong halaga ng marijuana na kanilang nasamsam sa isinagawang 3-araw na pagsalakay simula pa noong Miyerkules sa Barangay Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Nakumpiska sa ikinasang “Oplan May Hemp” ng PDEA Cordillera at “Oplan Dragonfly” ng Kalinga Police ang mahigit 80,000 marijuana plants sa 8,000 square meter na taniman sa nasabing lugar.

Nagkakahalaga ng P16 milyon ang tinabas na marijuana habang umaabot sa 210 kilong pinatuyong marijuana na nagkakalahaga ng P25.2 milyon ang nasamsam sa plantasyon,  ayon kina Cordillera police director BGen. Ronald Lee at PDEA Cordillera director Gil Castro.

Wala namang na­­dat­nan na nagmamantine o nagtatanim ng nasabing ilegal na droga nang isinagawa ang pagsalakay.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with