_ngayon
^

6 ‘tulak’ nalambat sa drug ops

Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - May 16, 2021 - 12:00am

LUCENA CITY, Philippines — Na­lambat ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ang anim na katao na pawang sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga kabilang ang isang mag-asawa sa magkakasunod na anti-drug operation sa tatlong barangay kamakalawa.

Base sa ulat ni P/Lt. Col. Romulo Albacea, chief of police dito, unang isinagawa ang buy-bust operation sa Purok Maabo, Barangay Mayao Parada dakong alas-7:30 ng umaga na ikinaaresto ng magkaibigang sina Jaylennon Alcantara, 31, at Marlon Balolong, 29, parehong binata at nakumpiskahan ng P16,728.00 ha­laga ng shabu.

Sa kanilang bahay naman sa Purok Santol 1, Barangay Mayao Cros­sing dakong alas-9:40 ng umaga naaresto ang mag-live in partner na sina Arwin Sioco, 32, at Jennifer Dapol, 32. Nakuha sa kanilang pag-iingat ang P12,648 na halaga ng shabu at P500 marked money.

Bukod sa P16,320 na halaga ng shabu, nakumpiskahan ng isang improvised shot gun na may limang bala ang mag-asawang Arman, 44, at Michelle Abdon matapos silang malambat sa buy-bust operation dakong alas-4:20 sa Purok Green hills Phase 3, Brgy. Market View.

CDEU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with