_ngayon
^
P.5 milyong COVID-19 vaccine para sa seniors nasayang
Isinagawa ang pag tuturok ng unang dose ng Pfizer vaccine sa kategorya ng A2 o Senior Citizen sa loob ng FilOil Flying V Centre (San Juan Arena) nitong Mayo 12, 2021.
The STAR/Michael Varcas

P.5 milyong COVID-19 vaccine para sa seniors nasayang

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

Freezer, nakaligtaang paandarin

NORTH COTABATO, Philippines — Nasa 348 vials ng Coronavac na gawa ng Chinese firm Sinovac ang nasayang at hindi na magagamit matapos ang diumano’y nakaligtaang paandarin ang freezer kung saan nakalagay ang natu­rang mga bakuna sa pamahalaang lokal ng Makilala ng lalawigang ito.

Kinumpirma mismo ni Dra. Eva Rabaya ng Integrated Provincial Health Office ng North Cotabato sa isang panayam na hindi na maaaring gamitin ang nasabing mga bakuna matapos na mahigit sa dalawang araw itong hindi na-chill dahil sa ‘di nakasaksak ang freezer nang magkaaberya ang supply ng kuryente.

Nauna nang sinabi ni Dr. Eva Rabaya na aabot sa kalahating mil­yong piso ang halaga ng bakuna na hindi na magagamit. Bawat vaccine aniya ay nagkakahalaga ng P1,500. Ang mga bakuna ay nakalaan para sana sa mga senior citizens ng Makilala, Cotabato.

Sa inisyal na report, inilipat umano sa freezer ng Makilala Police ang mga vaccine matapos mawalan ng supply ng kuryente ang service area ng COTELCO nitong Biyernes ng umaga. Ge­nerator ang ginamit sa freezer at nakaligtaan umano itong ibalik sa linya ng COTELCO nang bumalik na ang kuryente.

Sa panayam kay Lito Canedo, spokesman ng IATF-Makilala LGU, na nito pang Biyernes inilipat sa freezer ng Makilala Police ang mga bakuna ngunit nito lang Lunes nadiskubre ng in-charge mula Municipal Health Office (MHO) Makilala na hindi pala naka-on ang natu­rang freezer.

Iniimbestigahan na ng pamunuan ni Municipal Health Officer Dra. Georgina Sorilla at pamahalaang lokal ang insidente para alamin kung sino ang res­ponsable sa nasabing kapabayaan.

Lumalabas na hindi ito ang unang beses na may kapabayaan ang MHO sa pag-monitor ng mga bakuna. Noong Pebrero 15, iba’t ibang bakuna rin para sa Bacillus Calmette-Guérin (BCG) na para sa tuberculosis, measles, pneumonia, gamot na insulin at maraming iba pa ang nasira umano matapos na ‘di rin naisaksak ang freezer na pinaglalagyan nito.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with