_ngayon
^
52 patay sa COVID-19 sa Cagayan sa loob ng 13 araw
Batay sa talaan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), umakyat sa 52 ang naitalang nasawi dahil sa virus sa buong lalawigan mula Mayo 1 matapos bawian ng buhay ang karagdagang anim na katao kamakalawa.

52 patay sa COVID-19 sa Cagayan sa loob ng 13 araw

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Umabot sa 52 katao ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19 sa loob lamang ng 13-araw sa Cagayan na, ayon sa pinakahuling datos kahapon.

Batay sa talaan ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU), umakyat sa 52 ang naitalang nasawi dahil sa virus sa buong lalawigan mula Mayo 1 matapos bawian ng buhay ang karagdagang anim na katao kamakalawa.

Ang mga pinakahu­ling nasawi ay naitala sa mga bayan ng Abulug, Allacapan, Aparri, La-lo­, Sanchez Mira at ang Tuguegarao City kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng COVID-19 at pinakamara­ming namamatay.

Sa datos ng PESU, halos nasa 4-6 na katao ang nasasawi bawat araw sa lalawigan nitong nakalipas na 13-araw. Sa kabuuan ay mayroong 200 sa lalawigan ang nasawi simula nang pumutok ang pandemya.

Nangunguna rin ang Cagayan sa buong Rehiyon-2 sa bilang ng mga active cases na umabot na sa 1,875, sinundan ng Isabela na may 1,795; Nueva Vizcaya, 383; Quirino, 316 at Santiago City, 110. Nasa 4,479 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon habang 828 ang nasawi.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with