_ngayon
^

Pulis patay sa inaayos na wire

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 15, 2021 - 12:00am

TABACO CITY, Albay, Philippines — Isang pulis ang patay matapos na makuryente habang inaayos ang drop wire sa tinutuluyan nitong bahay sa Moran State Subdivision, Brgy. Matagbac, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-arrival sa Jaime Berces Memorial Hospital dahil sa pinsalang tinamo sa katawan mula sa pagkakakuryente ang biktimang si Police Staff Sgt. Edgardo Lao Valin, 48-anyos, may asawa, nakatalaga sa Malinao Municipal Police Station, tubong Sta. Magdalena, Sorsogon at pansamantalang nanunuluyan sa naturang lugar.

Ayon kay Major Ma. Luisa Calubaquib, taga­pagsalita ng Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-2:36 ng hapon habang inaayos ng biktima ang service drop wire mula sa poste patungo sa tinutuluyang bahay nang aksidenteng makuryente.

Sa lakas ng boltaheng tumama sa kanyang katawan, walang malay na isinugod ng mga kapitbahay ang biktima sa ospital pero idineklarang patay ng mga doktor.

PATAY PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with