_ngayon
^
Siklista nahati ang katawan sa SUV
Kinilala ni P/Lt.Col Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan police ang biktima na si Danny Cruz habang kusang loob namang sumuko ang drayber ng SUV na si Eldifonso Magkasi Jr, 63-anyos.
Michael Varcas

Siklista nahati ang katawan sa SUV

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan, Philippines —  Nahati ang katawan ng isang siklista matapos na araruhin ng isang SUV kamaka­lawa ng tanghali sa Brgy. Saluysoy ng siyudad na ito.

Kinilala ni P/Lt.Col Bernard Pagaduan, hepe ng Meycauayan police ang biktima na si Danny Cruz habang kusang loob namang sumuko ang drayber ng SUV na si Eldifonso Magkasi Jr, 63-anyos.

Ang drayber ng nasabing SUV ay inatake umano ng epilipsy habang nagmamaneho kung kaya nadisgrasya niya ang siklista at apat pang namimiskleta.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11:00 ng tanghali nang araruhin ng nasabing SUV ang limang namimisikleta sa gilid ng McArthur highway sakop ng nasabing Barangay.

Unang nasagi ni Magkasi ang apat na kalalakihan na dumausdos sa gilid ng kalsada na nagtamo lamang ng galos sa kanilang katawan.

Grabeng naararo ng sasakyan si Cruz na tumilapon pa ang katawan ng may ilang metro.

Ayon sa mga nakasaksi, sa lakas daw umano ng pagkakabangga sa biktima ay nahati ang katawan nito.

SUV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with