_ngayon
^
Puganteng drug pusher, dedo sa shootout
Kinilala ang napatay na si Jay-Ar Lovino, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

Puganteng drug pusher, dedo sa shootout

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

KABACAN, Cotabato City, Philippines — Isang puganteng drug pusher ang nasawi nang ito ay manlaban sa buy-bust operation sa Purok 3, Brgy. Malamote,ng bayang ito.

Kinilala ang napatay na si Jay-Ar Lovino, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis laban kay Lovino.

Sa gitna ng transaksiyon ay natunugan ni Lovino na isang PDEA agent ang kanyang kausap dahilan upang barilin niya ito.

Masuwerteng hindi tinamaan ang PDEA agent at dito ay sumulpot ang mga kasama at pinagbabaril ang suspek na namatay noon din.

Aabot sa P54,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga otoridad,drug paraphernalias, isang unit ng Colt caliber .45 pistol, isang caliber .45 magazine, dalawang rounds caliber .45 live ammunitions at isang caliber .45 empty shell.

Nabatid na si Lovino ay pugante ng Amas Provincial Jail na tumakas noong ­Enero 4, 2017 dahil sa kasong murder at pumasok sa pagbebenta ng ilegal na droga.

Nang taong din iyon ay muli itong maaresto pero nakalaya ito sa pamamagitan ng plea-bargaining.

Ayon sa PDEA 12, ang suspek ay nagbebenta ng droga sa Kidapawan, Matalam, Makilala, Kabacan at iba pang lugar sa lalawigan.

PDEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with