_ngayon
^

Motor sumalpok sa bahay, rider patay

Christina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

KAWIT CITY, Cavite, Philippines — Namatay habang dinadala sa ospital ang isang 48-anyos na lalaki nang tumbukin nito ang isang sementadong bahay matapos mawalan ng kontrol sa minamanehong motor,kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Centennial Road,Brgy. Panamitan.

Napuruhan sa ulo ang biktima na agad nitong ikinamatay na nakilalang si Arven Damayo, fish vendor,ng Brgy. Aniban 1, Bacoor City,Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:40 ng gabi ay  papauwi na sana ang biktima sakay ng kaniyang Baja 110 motorcycle at binabagtas ang nasabing highway

Dahil sa bilis, nawalan ng kontrol ang biktima at tuluy- tuloy na sumalpok sa terrace ng isang bahay na nasa gilid ng higway.

Sa tindi ng pinsala nito, napuruhan sa ulo ang biktima at idineklarang dead-on-arrival na sa  Kalayaan Hospital.

ARVEN DAMAYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with