_ngayon
^

Lady trader, naipit sa gulong ng sasakyan

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - May 14, 2021 - 12:00am

DIADI, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang babaeng negosyante ang binawian ng buhay matapos maipit sa gulong ng sasakyan sa bayan na ito kamakalawa.

Kinilala ni P/Capt. Roderick Rabago, hepe ng Diadi PNP ang nasawing biktima na si Editha Agustin, 48, negosyante ng pakwan at residente ng Maddela, Quirino.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kasalukuyan noon na binabagtas ng Toyota Jitney (CCW151) na puno ng mga pakwan, kung saan nakasakay ang biktima, nang magkaroon ng aberya ang sasakyan sa pataas na bahagi ng national highway sa Sitio Hilltop, Barangay Nagsabaran sa nabanggit na bayan dakong alas- 12:55 ng madaling araw.

Dahil dito ay sinabi umano ng driver na si Jayson Tan, 30, residente ng Zone 7, Josephine Village, Calaocan, San Jose City, Nueva Ecija na bumaba muna ang biktima para lagyan sana ng kalso ang gulong para hindi ito tuluyang umatras pababa.

Agad naman umanong bumaba ang biktima subalit,aksidente itong nabunggo sa kanyang pagbaba nang biglang umatras ang sasakyan hanggang sa pumailalim ito at nagsilbing kalso ng gulong.

Naisugod pa ng mga rumespondeng kagawad ng Diadi PNP ang biktima sa Diadi Emergency Hospital,subalit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa nasabing pagamutan.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with