^

Probinsiya

Mamang Sorbetero’ ng mga guro at estudyante, pumanaw sa COVID-19

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Bumaha ng pakikiramay at simpatiya sa social media ang pagpanaw kahapon ng umaga ng isang kilalang personalidad at binansagang “Mamang Sorbetero” sa isang unibersidad sa lungsod na ito matapos umanong tamaan ng COVID-19.

Sa edad na 85, pu­manaw si Juan Manalo Sr., o mas kilala bilang Mang Maning, ang Mamang Sorbetero na nagpasaya at nagpalamig ng ulo sa loob ng 50 taon ng mga estudyante, guro at mga magulang ng Wesleyan University-Philippines (WU-P).

Kinumpirma ni Arlene­ Manalo-Barcelo, apo ni Mang Maning, sa kanyang Facebook page nitong Mayo 12, na COVID-19 ang ikinamatay ng kanyang lolo kahapon ng umaga.

Nangako siyang ipagpapatuloy ang masarap na likhang sorbetes na minahal at tinangkilik ng mga tao at hinding-hindi umano niya malilimutan ang kanyang lolo sa pagturing sa kanya na higit pa sa anak.

Ayon pa kay Arlene, kuwentro raw ng kanyang lolo Maning na nagsimula itong magbenta ng ice cream sa unibersidad, nasa mahigit 30-anyos pa lang  at talahib pa ang paligid at isa-isang nila­lakad ang bawat departamento para maglako. Ang pagtitinda umano niya ng sorbetes sa loob ng campus ay may basbas kung sino man ang university president noong mga panahong iyon hanggang ngayon bago pa man mag-pandemic.

Dahil sa angking abilidad at pagtitiyaga sa pagbebenta ng sorbetes ay napagtapos ni Mang Maning ng pag-aaral ang kanyang mga anak, apo at maging mga apo sa tuhod sa WU-P.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with