^

Probinsiya

Baliw nang-agaw ng baril: Kapatid utas, 3 sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Baliw nang-agaw ng baril: Kapatid utas, 3 sugatan
Agad nasawi makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Christine Duave Ponayo, asawa ng pulis na si Cpl. Jhonwise Lavarro Ponayo na inagawan ng baril ng suspek na si Christian San Juan Duave, kapatid ng nasawi.
File

Dadalhin sana sa mental hospital

SAN VICENTE, Ca­marines Norte, Philippines — Patay ang isang misis habang tatlo ang sugatan kabilang ang kanyang mister na pulis matapos na mang-agaw ng baril ang kapatid nitong 29-anyos na baliw o may sakit sa pag-iisip na dadalhin sana sa mental hospital sa Brgy. San Jose ng bayang ito ka­makalawa ng umaga.

Agad nasawi makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan ang biktimang si Christine Duave Ponayo, asawa ng pulis na si Cpl. Jhonwise Lavarro Ponayo na inagawan ng baril ng suspek na si Christian San Juan Duave, kapatid ng nasawi.

Nilalapatan na ng lunas sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet si Cpl. Ponayo at mga kaanak ng misis nito na sina Alex Sancho Duave at Erlin Sancho Duave; pawang residente sa nasabing barangay matapos ma­sugatan sa walang habas na pamamaril ng baliw na kaanak.

Naaresto at nasa kustodya na ng San Vicente Police ang naburyong na suspek. 

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga habang naghahanda si Cpl. Ponayo ng mga kailangan para sa pagbiyahe niya sa kanyang bayaw na si Christian para i-admit sa Don Susano Rodriguez Memorial Mental Hospital sa Brgy. Cadlan sa Pili, Camarines Sur nang biglang hablutin ng huli ang kalibre 9mm na baril na nakasukbit sa kanyang beywang.

Agad na pinagbabaril ng suspek ang kanyang bayaw na pulis, kapatid niyang si Christine at magkapatid na Alex at Erlin.

Mabilis namang rumes­ponde ang mga kabaro ni Cpl. Ponayo at nadakip ang suspek habang isinugod lahat ng mga biktima sa pagamutan pero namatay si Christine dahil sa maselang tama ng bala sa katawan.

vuukle comment

BALIW

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with