^

Probinsiya

Mister pinatay ang misis, paslit na anak tinangay

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Mister pinatay ang misis, paslit na anak tinangay
Batay sa salaysay ng mga saksi sa pulisya, kausap umano ng suspek ang kanyang misis na si Mylene, 42, sa harapan ng bahay ng isang nagngangalang Juanita Caasi nang bigla umanong bunutin ng lalaki ang isang patalim sa kanyang baywang at pinagsasaksak ang kanyang asawa sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan bago iniwanan na nakabaon sa dibdib ng misis, dakong alas 3:30 ng hapon nitong nakaraang Huwebes.
File

KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines — Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad at ilang residente ang isang mister na tumangay sa kanyang 4-anyos na anak sa kanyang pagtakas matapos mapatay ang sariling misis sa Barangay Muta sa bayan na ito kamakailan.

Sa naantalang ulat sa pulisya, kinilala ang mister na si Gilmore Kimmayong, 44, residente ng Sitio Manua, Brgy Muta, Kasibu. 

Batay sa salaysay ng mga saksi sa pulisya, kausap umano ng suspek ang kanyang misis na si Mylene, 42, sa harapan ng bahay ng isang nagngangalang Juanita Caasi nang bigla umanong bunutin ng lalaki ang isang patalim sa kanyang baywang at pinagsasaksak ang kanyang asawa sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan bago iniwanan na nakabaon sa dibdib ng misis, dakong alas 3:30 ng hapon nitong nakaraang Huwebes.

Agad na tumakas ang suspek subalit tangay umano nito ang 4-taong gulang na anak.

Nababahala ngayon ang mga kaanak sa kalagayan ng bata lalo na ang mga panganib na maaaring mangyari dahil sa pagtatago ng suspek.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with