^

Probinsiya

Tserman itinumba ng 2 naka-bonnet

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang barangay chairman matapos na tambangan at pagbabrilin ng dalawang naka-bonnet na suspek sa bayan ng Buguey ng lalawigang ito nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ng Buguey Police ang biktima na si Renante Ritarita, 46, chairman at residente ng Barangay Fula, Buguey.

Sa imbestigasyon ni P/SMS Arnel Tamanu, galing umano ang biktima sa pag-deliver ng lupa na pantabon gamit ang kanyang mini-dump truck at pauwi na sana sa kanilang bahay nang paulanan ng bala ang kanyang sasakyan pagsapit nito sa Barangay Remebella dakong alas 4:45 ng hapon.

Ayon sa saksi, dalawang kalalakihan na may suot na bonnet at armado ng mahahabang baril ang bumaba umano mula sa isang puting Toyota Vios at nagtago sa damuhan.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarinig na sila ng magkakasunod na putok ng baril sa nasabing lugar kung saan nakita na lamang ang biktima na wala ng buhay at tadtad ng bala sa loob ng kanyang minamanehong trak.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang 16 na basyo ng bala mula sa M16 rifle 5.56.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with