^

Probinsiya

Lalaki sinalvage sa gilid ng highway

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN ISIDRO, Nueva Ecija, Philippines — Isang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga dumaraang motorista sa tabi ng kanyang improvised tricycle sa kahabaan ng Gov. Joson Provincial Road na sakop ng Purok 2, Barangay Tabon ng bayang ito, noong Linggo ng gabi.

Ayon sa San Isidro Police, itinawag sa kanilang istasyon ng isang dumaraang motorista ang pagkakakita nito sa hindi na humihingang lalaki, dakong alas-8 ng gabi.

Sa ulat, nakitaan ng pulisya na ang biktima ng sugat sa ulo, likod at kanang braso habang nakahandusay sa tabi ng isang kulay itim na Honda HBR na motorsiklo na may plakang 3527-UN at nakakabit sa isang improvised sidecar.

May nakita rin umano sa tabi ng katawan ng biktima na dalawang piraso ng plastic sachet ng umano’y shabu.

Inilarawan ng pulisya na ang lalaki ay nasa 30-35 taong gulang, katamtaman ang pangangatawan, 5’5”-5’7” ang taas, ka­yumanggi at nakasuot ng itim na t-shirt, stipe shorts at sumbrerong asul.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with