_ngayon
^
Raid vs âmost wantedâ: Pulis-SAF utas, 2 pa sugatan
Sa report na inilabas ng PNP-SAF, nagsagawa ng joint operation ang 12 Special Action Company (12SAC) bilang main tactical support elements kasama ang ilang mga PNP units para isilbi ang warrant of arrest laban sa isang Naen Ampatuan Tumog sa Barangay Rebucon, Nunungan, Lanao del Norte.
KJ Rosales, file

Raid vs ‘most wanted’: Pulis-SAF utas, 2 pa sugatan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) ang patay habang dalawa pa nitong kabaro ang sugatan sa isinagawang pagsalakay laban sa isang “most wanted person” sa Lanao del Norte kamakalawa ng madaling araw.

 Sa report na inilabas ng PNP-SAF, nagsagawa ng joint operation ang 12 Special Action Company (12SAC) bilang main tactical support elements kasama ang ilang mga PNP units para isilbi ang warrant of arrest laban sa isang Naen Ampatuan Tumog sa Barangay Rebucon, Nunungan, Lanao del Norte.

 Ang suspek na si Tumog ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.” Pero bago pa man makalapit ang mga pulis, pinaulanan na sila ng bala ng suspek dahilan para gumanti ng putok ang raiding team.

Tumagal ang sagupaan ng ilang minuto pero minalas na masawi si Pat. Jan Oliver Rodriguez habang dalawa pang kasama nito na sina sina P/Cpl. Michael Aidan Troy Abella at Pat Cris Daryl Dolo ay nasugatan.

 Naaresto naman ang suspek ng mga ­operatiba sa operasyon at nakuha sa po­sesyon nito ang isang M16 rifle (Colt); 2-long steel M16 Magazines; 2-long plastic M16 magazines; 5-caliber 5.56 empty shells; identification card; 129 rounds ng live caliber 5.56 live ammunition; at isang bandolier.

SAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with