_ngayon
^
Sunog sumiklab sa Dasmariñas: Libong pamilya nawalan ng tirahan
Sa nakalap na ulat mula sa Dasmariñas City Fire Office, sumiklab ang malakas na apoy mula sa isang bahay na nasa likuran lamang halos ng Barangay Hall at dahil sa tindi ng init ng panahon na sinabayan ng malakas na hangin ay mabilis itong kumalat at tuluyang nilamon ang magkakatabing bahay hanggang sa matupok.
STAR/ File

Sunog sumiklab sa Dasmariñas: Libong pamilya nawalan ng tirahan

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Libong pamilya ang nawalan ng tirahan habang isang residente ang nasugatan matapos na lamunin ito ng apoy nang sumiklab ang malaking sunog kahapon ng tanghali sa Brgy. H2, lungsod ng Dasmariñas.

Sa nakalap na ulat mula sa Dasmariñas City Fire Office, sumiklab ang malakas na apoy mula sa isang bahay na nasa likuran lamang halos ng Barangay Hall at dahil sa tindi ng init ng panahon na sinabayan ng malakas na hangin ay mabilis itong kumalat at tuluyang nilamon ang magkakatabing bahay hanggang sa matupok.

Isa ang naiulat na sugatan na inaalam pa ang pangalan mula sa sunog na tumagal ng may mahigit sa 2 oras bago tuluyang naapula ang apoy ng mga rumespodeng pamatay sunog.

Kasalukuyan nang nasa iba’t ibang co­vered court ng barangay ang mga residenteng nawalan ng tahanan habang patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pinagmulan ng sunog.

SUGATAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with