_ngayon
^
7 nasawi, 77 gumaling sa COVID-19 sa Bataan
Sa huling ulat ng Provincial Health Office kamakalawa, pumalo na sa 1,128 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Bataan.
The STAR/Michael Varcas

7 nasawi, 77 gumaling sa COVID-19 sa Bataan

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

BALANGA, Bataan, Philippines — Pitong pasyente ang nasawi habang 77 ang mga bagong nakarekober sa COVID-19 at 126 pa ang nadagdag sa kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lalawigang ito.

Sa huling ulat ng Provincial Health Office kamakalawa, pumalo na sa 1,128 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Bataan.

Base sa datos, pito ang nasawi para sa kabuuang talaan na 208 habang ang lahat ng mga gumaling ay nasa 5,157 habang nasa 6,493 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

Mula noong ika-31 ng Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan ay 59,169 na ang nasuri sa buong lalawigan.

Samantala, 15,952 na medical and non-medical frontliners sa lalawigan ang nabakunahan na simula nang gumulong ang pagbabakuna noong ika-8 ng Marso.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with