_ngayon
^

‘Gun-for-hire’ todas sa shootout

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

KORONADAL CITY , Philippines — Bumulagta ang isang pinaniniwalaang miyembro ng “gun-for-hire” habang isa ang nakatakas matapos na makaengkwentro ng pulisya ang diumano’y motorcycle riding criminals sa Purok Osmeña Barangay Rotonda, Koronadal City.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ng Koronadal City Police, habang nagpapatrolya umano ang mga pulis dakong alas-7:00 ng gabi nang namataan nila ang dalawang kahina-hinalang tao kaya kanilang nilapatin para sitahin.

Gayunman, mabilis umanong kumaripas ng takbo ang dalawang ‘di kilalang lalaki sakay sa isang motorsiklo na hinabol ng mga otoridad.

Sa gitna ng habulan, binaril umano ng dalawang suspek ang mga pulis sanhi upang gumanti sila ng putok hanggang sa minalas na tinamaan ng bala

ang backrider sa motorsiklo habang ang kasamang driver ay nakatakbo.

Agad na isinugod sa ospital ang sugatang suspek subalit binawian ng buhay habang tinutugis na ang kasama nito na nakatakas.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre 45 na pistola.

KORONADAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with