_ngayon
^

Nalamang may cancer, binata nagbigti

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Patay ang isang 33-anyos na binata matapos magbigti nang matuklasang nagtataglay siya ng sakit na cancer at may taning na ang buhay kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Lolomboy ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Col Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang biktima na si Albert Uy, 33-anyos, binata ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 12 ng tanghali nang matagpuan ng kanyang tatay ang wala nang buhay na anak na nakabitin sa loob ng kuwarto nito.

Isang lubid na kulay orange ang ginamit ng biktima na pagbibigti na itinali nito sa kisame ng kanyang kuwarto.

Bago ang pagpapatiwakal, nasabi pa umano ng biktima sa kanyang kaibigan na tatapusin na nito ang kanyang buhay dahil natuklasan niya na siya ay may cancer at nabibilang na lang ang kanyang buhay.

Napag-alaman na may bukol sa batok ang biktima at patuloy ang paglaki nito.

Hindi umano sineryoso ng kaibigan ang sinabi sa kanya ng biktima na magbibigti hanggang sa matagpuan na lamang ang huli na nakabigti sa kuwarto nito.

LAWRENCE CAJIPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with