_ngayon
^

No. 2 ‘most wanted’ dedo sa engkuwentro

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 10, 2021 - 12:00am

TINAMBAC, Camarines Sur, Philippines —

Agarang nasawi makaraang mapuruhan ng punglo sa katawan ang suspek na si Alexis Francisco Delos Santos habang tinutugis ang sugatang si Ricardo Francisco,lahat residente ng Sitio Tigman, Brgy. Bagacay at pawang wan­ted dahil sa two-counts ng kasong pagpatay at panggagahasa.

Sa ulat, nakakuha ng impormasyon ang mga pulis sa lugar na pinagtataguan ng dalawang suspek kaya agad bumuo ng operating team mula sa Regional Special ­Operation Unit, Provincial Mobile Force Company, Provincial Intelligence Unit, Regional Mobile Force Batallion 5 at Tinambac Municipal Police Station.Bitbit ang da­lawang warrant of arrests mula sa Calabanga Regional Trial Court Branch 63 dakong alas-3:50 ng madaling araw ay mai­ngat nilang sinalakay ang bahay na pinagtataguan ng mga suspek.

Gayunman, sa halip na sumuko ay tumakbo ang mga suspek habang pinapuputukan nila ang mga pulis dahilan ng engkuwentro hanggang sa bumulagta at mapatay si Delos Santos habang sugatan pero nawala sa dilim at tulu­yang nakatakas si Francisco.Nabawi sa mga suspek ang isang Kalibre 45 baril, dalawang improvised shotgun, magazine at mga bala.

BUYO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with