_ngayon
^
200 BIFF umatake sa Maguindanao, palengke inokupa
Ayon kay Datu Paglas Vice Mayor Mohamad Paglas na si Islamic State o IS-inspired leader Khagi Karialan, chairman ng mga bandido ang nanguna sa pag-atake kung saan pinasok ng mga ito ang palengke, alas-4:00 ng madaling araw.
STAR/ File

200 BIFF umatake sa Maguindanao, palengke inokupa

Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 9, 2021 - 12:00am

Vendors at sibilyan ginawang human shield

MANILA, Philippines — Nasa 200 na armadong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang umatake at inokupa ang isang palengke sa bayan ng Datu Paglas sa Maguin­danao nitong Sabado ng madaling araw.

Bunga nito, nagdulot ito ng matinding tensyon kaya napilitan ang daan-daang residente na magsilikas sa takot na maipit sa sagupaan ng mga te­rorista at tropa ng pamahalaan. Daang motorista at mga pasahero rin ang na-stranded sa kahabaan ng Cotabato-Maguindanao highway na nagsara sa trapiko bandang alas-4 ng madaling araw.

Ayon kay Datu Paglas Vice Mayor Mohamad Paglas na si Islamic State o IS-inspired leader Khagi Karialan, chairman ng mga bandido ang nanguna sa pag-atake kung saan pinasok ng mga ito ang palengke, alas-4:00 ng madaling araw.

Sinabi naman ni Lt. Col. John Paul Baldomar, spokesperson ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, ang 200 BIFF fighters sa ilalim ng ­“Khagi Karialan” faction ang umokupa sa public market at pumalibot sa lugar kung saan isang cargo truck ang ginamit nilang pangharang sa highway.

Pinigilan ng mga armadong BIFF ang mga vendors at sibilyan na makaalis sa lugar at ginawasilang mga “human shields” laban sa tropa ng militar at pulisya na nagresponde sa lugar.

Nakipagnegosasyon naman ang mga opisyal ng pamahalaang lokal at pinakiusapan ang BIFF members na mapayapang lisanin ang lugar at kung hindi ay mapipilitan ang tropang gobyerno na gumamit ng puwersa laban sa mga ito.

Sinabi ng Baldomar na agad inilikas ang mga sibilyan habang ikinokordon ng security forces ang Datu Paglas.

Nagkaroon ng manaka-nakang putukan sa Brgy. Poblacion bandang alas-9 ng umaga habang umikot ng Armored Personnel Carriers o mga tangke ng 601st Infantry Brigade ng Phl Army sa Datu Paglas na sinuportahan ng mga helicopter gunship.

Ayon kay 6th Infantry Division Commander Major Gen. Juvymax Uy, naghahanap umano ng pagkain ang BIFF kung saan pinaputukan pa nila ang isang police checkpoint nang sumalakay sa nasabing palengke.

Samantala, mag-aa­las-10 ng umaga kahapon ay “under control” na ang sitwasyon sa Datu Paglas matapos na magsiatras ang mga teroristang BIFF nang makitang parami nang parami ang presensya ng mga sundalo.

Inihayag ng opisyal na wala namang nasaktan sa insidente habang nagpapatuloy ang clearing operations sa lugar.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with