Zonal lockdown nakaamba muli sa GenSan

Batay sa ulat, napag-usapan na ng local Inter Agency Task Force (IATF) ang paghahanda sa zonal lockdown sa mga barangay na mayroong mataas na kaso ng virus.
The STAR/Miguel de Guzman, file

GENERAL SANTOS CITY , Philippines — Posibleng muling magpatupad ng “zonal lockdown” sa mga barangay sa GenSan dahil sa patuloy na pagtaas ng CO­VID-19 cases sa lungsod, iniulat kahapon.

Batay sa ulat, napag-usapan na ng local Inter Agency Task Force (IATF) ang paghahanda sa zonal lockdown sa mga barangay na mayroong mataas na kaso ng virus.

Sa pinakahuling datos, mayroong 42 na bagong kaso ang naitala kung saan nagmula ang mga ito sa mga barangay ng San Isidro, Fatima, Calumpang, Lagao Siguel, Mabuhay, Dadiangas North, Buatan Apopong at Katangawan.

Magugunitang una nang kinumpirma ni City Mayor Ronnel Rivera na tumataas ang kaso ng “household transmission” o pami-pamilyang hawaan ng COVID-19 sa lungsod.

Layon umano ng zonal lockdown na mas palawakin pa ang isinagawang contact tracing sa mga taong na-expose sa positive patients.

Kasalukuyang nasa 208 na kaso ng COVID-19 ang aktibo sa lungsod kung saan pinangangambahan din ang kakulangan sa pasilidad.

Show comments