3 kelot huli sa 6-kilong marijuana, shabu

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jay Suyu, 25, ng Barangay Camasi; Vince Romar Pelagio, 20, at ang 15-anyos na itinago sa pangalan na Totoy; kapwa residente ng Barangay Centro, Peñablanca.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong lalaki na kabilang ang isang menor de-edad ang dinakip ng mga operatiba ng pulisya matapos mahulihan ng may 6-kilong marijuana at shabu sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Camasi, Peñablanca ng lalawigang ito, ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jay Suyu, 25, ng Barangay Camasi; Vince Romar Pelagio, 20, at ang 15-anyos na itinago sa pangalan na Totoy; kapwa residente ng Barangay Centro, Peñablanca.

Ayon kay P/ Lt. Col. Andree Abella, hepe ng Information Office ng Police Regional Office 2, ang pagkadakip sa tatlong suspek ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency Region-02 (PDEA2), Regional Intelligence Unit, Cagayan Provincial Police Office at Peñablanca Police sa pamamagitan ng buy-bust operation sa natu­rang lugar dakong alas-4:00 ng hapon.

Nakumpiska sa mga suspek ang 5 bricks ng marijuana na tig-1 kilo ang bigat; 1 piraso ng tubular na papel na naglalaman ng marijuana na may bigat na isang 1-kilo at 2 piraso ng shabu residue, at mga drug paraphernalia.

Show comments