^

Probinsiya

National ID registration inilunsad ng PSA sa SM Megacenter

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
National ID registration inilunsad ng PSA sa SM Megacenter
Sinabi ni Carolyn Licup, assistant mall ma­nager, tinitiyak na ang pagpaparehistro sa mall ay mahigpit na nasusunod ang health protocol at kalinisan ngayong may pandemya.
Philstar.com/Graphics by John Nicole Villamayor

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Inilunsad na ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Cabanatuan City Local Government Unit sa pakikipagtulungan ng SM Megacenter ang pagpaparehistro ng National ID system (PhilSys) sa kanilang satellite registration area na matatagpuan sa 3rd level Event Center ng nasabing mall noong May 5, 2021.

Sinabi ni Carolyn Licup, assistant mall ma­nager, tinitiyak na ang pagpaparehistro sa mall ay mahigpit na nasusunod ang health protocol at kalinisan ngayong may pandemya.

“Ibinibigay namin ang logistics na kinakailangan ng PSA at ang suporta ng aming security team para sa crowd management at ang sanitation team para sa disinfection protocols. Sa pamamagitan ng partnership na ito ay makapagbibigay kami ng komportable at ligtas na lugar para sa lahat ng magpaparehistro”, sabi ni Licup.

Ang pagpaparehistro para sa National ID system ay may tatlong hakbang na kailangang sundin tulad ng karaniwang proseso, dapat irehistro ng mga aplikante ang kanilang demographic information sa online portal for national ID registration ng PSA o magsadya o sa paunang pagpaparehistro sa Barangay. Kasama rito ang impormasyon tulad ng buong pangalan, kasarian, petsa at lugar ng kapanganakan, blood type at address.

Sa ngayon ay tumatanggap ang PSA ng mga walk-in sa SM. Ang opsyonal na impormasyon tulad ng marital status, mobile number, at e-mail address ay kokolektahin din.

Matapos mailagay ang mga detalyeng ito, ang mga aplikante ay maaaring magpatuloy upang magtakda ng isang appointment sa pinakamalapit na registration center tulad ng SM Megacenter. Magdala ng 2 valid ID bilang requirements.

Kukunin ang biometric information kabilang ang fingerprint, iris scan, at kukunan ng larawan sa registration center sa iyong appointment. Ang mga sumusuportang dokumento ay kailangang ma-validate on-site.

Paglabas ng PhilSys Number (PSN) at Phil ID, ihahatid ang ID sa address na ibinigay ng aplikante. 

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with