_ngayon
^
Parak nagbenta ng armas, todas sa entrapment
Napuruhan ng punglo sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan at agarang nasawi ang suspek na si Police Cpl. Joel Esller Tualla, nakatalaga sa Polangui Municipal Police Station at residente ng Purok-7, Brgy. Busak, Libmanan, Camarines Sur.
STAR/ File

Parak nagbenta ng armas, todas sa entrapment

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

DARAGA, Albay, Philippines — Bulagta sa tabi ng kalsada ang isang pulis na nagbebenta umano ng ilegal na mga baril (loose firearm) matapos na pumalag at mabaril ng mga kabaro sa inilatag na entrapment operation sa Purok-4, Brgy. Bañag ng bayang ito kahapon ng umaga.

Napuruhan ng punglo sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan at agarang nasawi ang suspek na si Police Cpl. Joel Esller Tualla, nakatalaga sa Polangui Municipal Police Station at residente ng Purok-7, Brgy. Busak, Libmanan, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-11:05 ng umaga ikinasa ng PNP-IMEG (Integrity Monitoring Enforcement Group) Southern Luzon Bravo, Regional Drug Enforcement Unit 5, Provincial Intelligence Unit, Daraga Municipal Police Station at Regional Special Operation Unit 5 sa superbisyon ni Lt. Col. Wilfredo Sy ang entrapment operation laban kay Cpl. Tualla makaraang alukin at bentahan nito ng iligal na baril ang kanyang kabaro na nagpanggap na buyer.

Pagdating ng suspek sa lugar, agad ipinakita nito ang isang caliber 9mm KG9 sub-machine gun at kalibre 45 pistola na nasa loob ng dalang brown body bag.

Gayunman, nang iabot na ng poseur buyer ang P45,000 boodle money at magsilabasan ang mga operatiba ay agad bumunot ng kanyang baril ang suspek saka pinutukan ang mga papalapit na pulis dahilan para tamaan sa likod si Lt. Nestor Callos Jr., na masuwerteng hindi tumagos ang bala sa suot na bullet proof vest.

Mabilis na nakaganti ng putok ang mga operatiba at patay na tumimbuwang ang suspek. Nabawi dito ang ibinebentang mga baril pati na service firearm nitong kalibre 9mm pistola, magazine at mga bala.

LOOSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with