_ngayon
^

3 ‘pusher’ pa tumba sa drug ops

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Bulagta sa magkakahiwalay na drug bust operation ang tatlong hininalang tulak ng ipinagbabawal na droga sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, Bulacan police director ang tatlong napatay na suspek sa mga alyas “Nato”, “JR” at “Jhay-ar”.

Si alyas Nato ay napatay sa Brgy. Tibagan, Bustos, Bulacan dakong ala-1:00 ng madaling araw matapos na makipagbarilan sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation sa nasabing barangay. Nabawi sa lugar ang 21 plastic sachet ng shabu, buy-bust money at baril ng suspek.

Si alias JR ay napatay naman sa Brgy. Duhat, Bocaue matapos manlaban nang matunugan nito na police asset ang ka-transaksyon sa bentahan ng droga dakong ala-1:30 ng madaling araw. Narekober dito ang isang cal .38 revolver, anim na plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

Sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan, napatay rin si alias Jhay-ar nang manlaban ito sa mga otoridad drug bust dakong alas-3:40 ng madaling araw. Nabawi dito ang 29 plastic sachet ng shabu, isang cal .22 revolver at buy-bust money.

LAWRENCE CAJIPE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with