_ngayon
^
Lider ng âSantiago Drug Syndicateâ sa Cavite itinumba
Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Mark Joseph Santiago, 31, residente ng I-312, Pabahay Tropical Village, Gen Trias Cavite, umano’y lider ng Santiago Robbery And Drug Syndicate na nag-ooperate sa lungsod ng Gen. Trias City.
STAR/ File

Lider ng ‘Santiago Drug Syndicate’ sa Cavite itinumba

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Patay matapos barilin sa ulo ang kilalang lider ng ‘Santiago H-Way Robbery and Drug Syndicate’ ng dalawang armadong suspek, kahapon ng umaga sa mismong lugar nito sa Pabahay Tropical Village sa Gen. Trias Cavite.

Dead-on-the-spot ang biktimang nakilalang si Mark Joseph Santiago, 31, residente ng I-312, Pabahay Tropical Village, Gen Trias Cavite, umano’y lider ng Santiago Robbery And Drug Syndicate na nag-ooperate sa lungsod ng Gen. Trias City.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na nakila­lang sina Orac Alonto, nasa gustong gulang at Mohammad Ampaso alyas “Goten”, kapwa ng Sec I, Pabahay Tropical village.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Marlon Santos, alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sec D, Blk. 2 Lot 17, Pabahay, Tropical Village, ‘di kalayuan sa bahay ng biktima kung saan nakikipag­kuwentuhan ang biktima ng lapitan ito ng 2 suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.

Duguang bumulagta ang biktima habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Matatandaan na dalawang beses na rin itong pinagbabaril ng nakilalang si alias Jojo Muslim taong 2019 at 2020 sa kanila ring lugar subalit nakaligtas ito.

Nakulong na rin ito matapos maaresto ng Intel ope­ratives ng Gen. Trias subalit agad ding na-release for further investigation sanhi ng proclamation of holiday.

Ayon din sa kapatid nitong si Geraldine Santiago, bago ang pamamaril, may naganap na umanong pana­nambang sa biktima nitong kamakalawa lamang dakong alas-8:45 ng gabi kung saan nakatakbo at nakaligtas ang biktima.

H-WAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with