_ngayon
^
PMA grad rites sa Mayo 10 hihigpitan
Tatanggapin ng mga mag­sisipagtapos sa PMA Masaligan Class 2021 ang kanilang diploma ng wala ang kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay.
STAR/ File

PMA grad rites sa Mayo 10 hihigpitan

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa epekto ng pandemya, maghihigpit pa rin ang pamunuan ng Philippine Military Academy sa ikalawang pagkakataon sa gaganaping graduation rites sa Mayo 10.

Tatanggapin ng mga mag­sisipagtapos sa PMA  Masaligan Class 2021 ang kanilang diploma ng wala ang kanilang mga magulang at mga mahal sa buhay.

Iniiwasan ng PMA ang posibleng pagkakahawa-hawa­ at pagdami ng kaso ng COViD-19 sa bansa kaya magiging pri­bado na lamang ang graduation ng Masaligan Class of 2021.

Tanging ang mga makakapagpakita ng kanilang negative RT-PCR test ang papayagang makapasok sa Fort Del Pilar sa Baguio City.

Mapapanood na lamang ang nasabing sermonyas sa social media page ng akademya.

Matatandaang isinagawa ang virtual ceremony noong nakaraang taon sa PMA dahil na rin sa kasagsagan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nagpatupad din ng paghihigpit ang  Baguio  City sa mga establisimyento at iba pang lugar.

PMA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with