_ngayon
^
34 antigen test machines ipinamahagi sa 27 bayan, 5 lungsod ng Nueva Ecija
Bigay ng CTG Prime Ventures Incorporated ang 34 na IChroma II antigen swab machines na may kasamang 34 units ng I-chamber at 26,000 test kits bilang tugon nito sa panawagang tulong nina Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali at Vice Gov. Anthony Umali.
APA/AFP/George Hochmuth

34 antigen test machines ipinamahagi sa 27 bayan, 5 lungsod ng Nueva Ecija

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - May 7, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Upang maka­tulong sa kampanya laban sa COVID-19, nagpamahagi ng 34-units ng antigen test machines ang Pamahaalang Panlalawigan sa nasasakupan nitong 27 bayan at 5 lungsod.

Bigay ng CTG Prime Ventures Incorporated ang 34 na IChroma II antigen swab machines na may kasamang 34 units ng I-chamber at 26,000 test kits bilang tugon nito sa panawagang tulong nina Nueva Ecija Gov. Aurelio Umali at Vice Gov. Anthony Umali.

Ayon kay Dra. Josefina Garcia, hepe ng provincial health office, malaking tulong ito para sa mabilis na paglabas ng resulta upang agad na ma-isolate ang mga taong magpopositibo sa antigen test.

Pinangunahan ng Vitaline Healthcare ang actual demo sa paggamit ng mga antigen machines na dinaluhan ng mga medical technicians at ilang alkalde ng lalawigan.

Sinabi ni Christopher Tadena­ ng Vitaline Healthcare, makikita na agad ang resulta ng COVID-19 test gamit ang aparato sa loob lamang ng 12-14 minuto.

Ang isang antigen machine ay nagkakahalaga ng P120,000/P140,000 habang P350 ang bawat test kit.

Kahit matapos na umano ang pandemya ay magagamit pa rin ang mga machine na ito dahil bukod sa COVID-19 test ay mayroon pang 50 pagsusuri na maaaring gawin gamit ang aparato katulad ng thyroid, fertility, dengue test at marami pang iba.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with