_ngayon
^
Bloody Monday: 4 âtulakâ utas sa shootout!
Kinilala ni Police Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang apat na napatay na drug suspek na sina Dominic Yabut, ng Brgy. Bantug Norte, rito; at Jesus Pelmoka, ng Brgy. Aduas Centro, rito, na kapwa nakatala sa drug watchlist ng lungsod na ito at dayong sina John Patrick Lozano at Christian De Jesus, kap­wa ng Paniqui, Tarlac.
STAR/ File

Bloody Monday: 4 ‘tulak’ utas sa shootout!

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Apat na ‘tulak’ umano ng droga ang nasawi makaraang kumasa sa isinagawang magkahiwalay na drug buy-bust operation ng pulisya, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Jaime Santos, Nueva Ecija Police provincial director, ang apat na napatay na drug suspek na sina Dominic Yabut, ng Brgy. Bantug Norte, rito; at Jesus Pelmoka, ng Brgy. Aduas Centro, rito, na kapwa nakatala sa drug watchlist ng lungsod na ito at dayong sina John Patrick Lozano at Christian De Jesus, kap­wa ng Paniqui, Tarlac.

Sa report ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabantuan City Police, nagsagawa umano sila ng buy-bust sa Purok 1 ng Barangay Dalampang, dito, dakong alas-6:30 ng gabi.

Matapos mag-abutan ng isang sachet ng umano’y shabu at P500 bill “marked money” ay nagkaroon na ng palitan ng mga putok ng baril na ikinasawi nina Yabut at Pelmoka.

Narekober sa lugar ang isang cal.38 revolver (homemade), isang cal.45 pistol (homemade), pitong FCCs (fired cartridge cases) ng  cal.9mm; isang sachet ng 0.07 gram ng shabu, sling bag at isang tricycle na service ng dalawang suspek.

Sa report naman ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng San Jose City Police, nagsagawa sila ng drug operation sa Sitio Cumabol, Brgy. Caanawan, San Jose City, dakong alas-9:20 ng gabi.

Naghinala umano ang dalawang dayong suspek na sina Lozano at de Jesus na mga pulis ang kanilang katransaksyon kaya bumunot umano ng maiigsing baril at pinaputukan ang mga operatiba na nagbunsod ng shootout.

Matapos ang putukan, nakitang nakabulagta ang dalawang suspek.

Narekober sa lugar ang isang cal.38 revolver (homemade), isang sachet ng shabu na 5-gramo ang timbang at may halagang P34,000, isang Yamaha NMax motorcycle at dalawang helmet.

TULAK
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with