_ngayon
^
10-oras na brownout nakaamba sa Olongapo
Sa inilabas na pahayag ng OEDC, tatagal ng mahigit 10-oras ang power interruption na magsisimula ng alas-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon at karagdagang 30 minuto na brownout sa ganap na alas-11:30 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi.
STAR/ File

10-oras na brownout nakaamba sa Olongapo

Jojo Perez (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

OLONGAPO CITY – Inihayag ng Olongapo Electricity Distribution Co., Inc. (OEDC) sa kanilang mga kustomer ang ipatutupad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na power interruption sa darating na Lunes (May 10, 2021) sa lungsod na ito.

Sa inilabas na pahayag ng OEDC, tatagal ng mahigit 10-oras ang power interruption na magsisimula ng alas-6 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon at karagdagang 30 minuto na brownout sa ganap na alas-11:30 ng gabi hanggang alas-12 ng hatinggabi.

Layunin umano ng mahabang power interruption ay para bigyang daan ang Annual Preventive Maintenance ng NGCP sa kanilang Olongapo 50 MVA Transformer No. 2 at iba pang associated equipment. Ang replacement ng kanilang 3-units 230kV CT at 1-unit 69kV Bus PT at load mula sa kanilang  transformer No. 2 papunta sa kanilang Transformer No. 3.

Isasabay na rin OEDC ang pagsasaayos ng kanilang mga istraktura gayundin ang hotspot corrections sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

OEDC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with