_ngayon
^
12-anyos nagtampisaw sa ilog, nalunod
Umabot ng ilang oras ang paghahanap bago natagpuan sa Lidong Ri­ver ng Brgy. Anib ang katawan ng batang biktimang si Renier Clave Ablanida, Grade 7 at residente ng Brgy. Barcelonita, Cabusao.
Philstar.com/File

12-anyos nagtampisaw sa ilog, nalunod

Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 5, 2021 - 12:00am

SIPOCOT, Camarines Sur, Philippines — Patay na nang matagpuan ng kanyang tatay ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos na malunod habang nagsu-swimming sa ilog ng Brgy. Mangga sa ba­yang ito kamakalawa ng tanghali.

Umabot ng ilang oras ang paghahanap bago natagpuan sa Lidong Ri­ver ng Brgy. Anib ang katawan ng batang biktimang si Renier Clave Ablanida, Grade 7 at residente ng Brgy. Barcelonita, Cabusao.

Sa ulat sa mga pulis ng kanyang tatay na si Ramil Ablanida, dakong alas-12 ng tanghali nagpaalam ang kanyang anak na magsu-swimming kasama ang mga kaibigan malapit lang sa kanilang lugar.

Gayunman, hindi alam ng tatay na dumayo pala sa ilog ng karatig barangay ang anak at batang kasama hanggang sa tangayin ng malakas na agos ng tubig at nalunod ang biktima.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with